Marahil sa tanang buhay mo ay narinig mo na ang "network marketing," at marahil hindi mo lang narinig kundi may nag alok na rin sa iyong sumali sa isang network marketing. Malamang sa hindi, isa sa iyong mga kamag-anak o kaibigan ay nasa network marketing business na.
Ang Network Marketing ay isang uri ng sistema ng negosyo na nag pagpapagalaw ng produkto sa pamamagitan lamang ng mga customer. Sa aking naging karanasan sa negosyong ito, mayroon akong limang kaisipan na dapat malaman bago pumasok sa negosyong ganito.
1. Alamin kung ang produkto ay consumable.
- Ibig sabihin nito, ang produkto bang binibenta ng kumpanya ay nauubos at maaaring maulit ang pagbili ng mga customer kung sakaling nagustuhan nila ang benepisyo ng produkto. Kadalasan ang mga produktong binibenta sa network marketing ay mga food supplements, household products, at mga beauty products na hindi mabibili sa ibang tindahan o sa ibang network marketing company. Maaari din namang i-network ang hindi consumable na produkto (kagaya ng sapatos, mga kaserola at iba pang gamit sa pag luluto) subalit ang pagkakataon na umulit ang pinag bentahan mong bumili ulit ay malabo, kung umulit man ay taon ang bibilangin.
2. Alamin kung ito ay nakarehistro sa SEC.
- Sa totoo lang, kahit naman scam ang negosyong tinatayo i-rerehistro talaga nila yan sa Securities and Exchange Commission (SEC) para lang masabi na sila ay legitimate na negosyo, ang iba dyan sa Ayala o sa Ortigas pa maghahanap ng opisina para maganda sa pandinig kapag sinabing Ayala-based Company o Ortigas-based Company. Pero ang kagandahan lang nito, kung gumawa man ng kapalpakan ang kumpanya, maaari kayong magsumbong sa SEC dahil alam nila kung sino ang hahabulin or responsable na dapat managot.
3. Kumuha lang muna ng isang account.
- I-test muna ang tubig, ika nga, huwag magpadala sa matatamis na salita na mas maraming account o "heads" mas malaki ang kita. HUWAG MAGING GAHAMAN. Totoo namang mas malaki ang kita kapag marami kang account lalong lalo na kung ito ay binary type, pero wala pa itong kasiguraduhan, may posibilidad na malaki ang kita pero mas malaki din naman ang posibilidad na malugi kung hindi pumatok, at higit sa lahat mas malaki din ang tatrabahuin mo. Alalahanin mo, ito ay sarili mong negosyo, kahit na sabihin pa ng upline mo na tutulungan ka nya at lalagyan ka ng tao sa ilalim mo huwag na huwag kang umasa sa ganong pangako dahil kahit na isang network lang kayo hindi lang ikaw ang sinabihan nya ng ganyan, syempre lahat kayong maniniwala sa sales talk nya ay papangakuan ng tulungan system. Kapag naibalik mo na ang pera mo na may kasamang kita saka mo na isipin kung mag i-invest ka pa ng isang account. Alalahanin: Mas Maraming Account, Mas Malaki ang Trabaho.
- Subukan muna ang produkto kung totoo ang mga pangakong benepisyo na sinasabi ng kumpanya. bentahan mo muna ang mga kakilala mo, simulan mo sa sarili mong pamilya, kamag-anak, kaibigan, kapit-bahay, kaklase, kasama sa trabaho at kung sinu-sino pang malapit sa iyo na madali mong lapitan para alukin ng produkto ng kumpanya. Alamin ang kanilang feedback kung maganda ang produkto, kung sila naman ay paniwalang paniwala sa binenta mo at gusto nilang bumili ulit doon mo sila alukin na mag rehistro para magkaroon sila ng discount sa kanilang personal na pag gamit at maaari na rin nilang ibenta sa iba. Ito ang diwa ng Network Marketing.
5. Panatiliin itong "extra income."
- Kung sakali mang kumikita na ang iyong network account habang ikaw ay namamasukan bilang empleyado, huwag na huwag ka munang mag re-resign. May mga narinig na akong kwento ng mga networker na dahil mas malaki na ang kita nila sa networking business kaysa sa kanilang pang araw-araw na trabaho, sila ay nag re-resign at nag fu-fulltime na lang sa kanilang negosyong networking. Huwag mong gawin iyon. Alalahanin mong isa sa dahilan kung bakit mo pinasok ang networking business ay para magkaroon ka ng extra income, dagdag sa buwanang sahod mo sa trabaho. Hayaan mo lang munang lumago ang pera mo ng husto at pagkatapos ay i-invest mo naman sa ibang investment scheme, kagaya ng mutual funds at stock market (depende na yan sa lakas ng loob mong malugi), sa ganitong paraan lalago ng husto ang pera mo at magkakaroon ka na ng pagkukunan kapag ikaw ay mag retiro na.
Kaya sa susunod na may mag alok ng negosyo na networking at napakaganda ng marketing system, isipin muna kung kapakipakinabang ba ang produkto para saiyo at sa iyong pamilya o hindi... dahil kung maganda ang produkto, hindi na mahirap itong ialok sa iba.
Meron ka rin bang naging karanasan sa network marketing? Maganda man o hindi, maaari mo rin itong ibahagi sa amin upang madagdagan pa ang aming kaalaman sa negosyong ito, isulat ang inyong comment sa ibaba. Maraming Salamat!